kutsinta
Ang
Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya naman ay mabili sa mga naglalako o nagtitinda sa kalye. Kadalasan kasama itong inihahanda ng puto.
Mga Sangkap
- isang tasa ng all-purpose flour
- isang tasa ng asukal na pula
- Mga tasa ng tubig
- 1 kutsaritang lihia o lye water
- ilang patak ng dilaw na food color
- ginayat na niyog
Proseso
Sa paggawa ng kutsinta, una, pakuluin muna ang tubig mula sa
steamer. Sa isang lalagyan, paghaluhaluin ang mga sangkap maliban sa ginayat na niyog. Haluin ang mga sangkap hanggang sa maging banayad ito at walng buo-buo, pagkatapos ay salain. . Ilagay ang mga hinalong sangkap sa maliliit na
muffin pan, kalahati bawat isang pan. I-
steam ang nahalong sangkap ng mga sampu hanggang dalawampung minuto. Palamigin ito ng mga limang minuto at pagkatapos ay maaari na itong tanggalin sa
pans. Ihanda ito kasama ng ginayat na niyog.
No comments:
Post a Comment